Hi fellow Thomasians! I know na nafefeel nyo na ang nalalapit na pasukan natin. Ako nga pala si Ate Enna, incoming 3rd Year Travel Management Student. (Hope to see you CTHM Students in our building :P) so I decided to make a blog post on what to do and what to bring in your first day + what to expect! PS: This will be written in tagalog, mas feel ko siya kapag tagalog eh. :)
Let's start with WHAT TO BRING:
- 1x1 or 2x2 Pictures - madaming madami. Dahil halos lahat ng professors nyo ay hihingan kayo nyan.
- 1/4 // 1/8 Index Card - madami din at ibat't ibang color. Siguro mas madaming blues and whites kasi yun yung mas madalas hingin.
- Registration Form
- Notebook - filler lang kering keri na.
- Ballpen at pencil
- 1/4 Paper
- Yellow Paper
- NO BOOKS YET - Kasi yung mga professors nyo yung magbibigay ng list of books and kayo din ang bahalang humanap nyan.
- Umbrella - Nasa USTe ka be, di mo alam. Baka biglang buhos nang ulan, biglang baha ang mahalaga may payong ka.
- Your self-confidence - Pinakaimportante yan. Kailangan mong makihalubilo sa first day ng klase kung ayaw mong maging loner sa first week ng college life mo. Plus, nasa industiya nating mga CTHM student ang merong laging dalang self-confidence. Kung anong taas ng heels na suot mo ay siyang taas dapat ng self-confidence mo. O mas higitan mo pa!
Now, WHAT TO DO:
- Wake up early. DONT BE LATE! Never, ever be late on your first day. First day means first day ng bagong buhay mo. Ayaw mo namang mamiss ang mga unang pangyayare ng bagong buhay mo right?
- Take a Tour. Kung nasa Manila ka na the day before magstart ang class, or kung pang hapon naman ang class mo sa unang araw, try mong mag ikot sa building or sa buong campus. Para naman hindi ka mawala if ever. Hanapin mo na agad yung mga classroom na papasukan mo sa buong first semester mo. Keri na yan be!
- Know your Schedule! Lagi mo dapat dala, at alam mo dapat kung saan at kelan ang susunod mong klase para hindi ka naman na mabibigla na "Hala! May class pa pala ako!"
- Be in Complete Uniform. Wear your IDs kung meron na at ang heels be (1.5inches-3inches ang prescribe sa college natin)
- Take down notes. Lalo yung mga sinasabe ng professors mo, tatandaan mo sila dahil iyan ang susi ng kinabukasan mo be!
Lastly, WHAT TO EXPECT:
- Hi Sir/Ma'am! Expect nyo na na sa first day pa lang ng klase iba na ang trato ng mga professors sa inyo. Bilang college students, you need to act like professionals dahil sabi nga ng mga naging prof ko, after college yan din ang babagsakan nyo at dapat kabagsakan - ang maging PROFESSIONALS.
- Every day is Lecture Day. Yes it is true. Kapag naman freshman ka natural na sulat ka ng sulat ng notes pero dapat lang. Dahil yan ang kakailangan mo kapag exam week na. Ang lectures. Kahit na first day nyo pa, lecture day pa rin yan. Iilan lang ang professors na papayag na magkikilanlan lang kayo sa first day.
- UST Walking Tour. Nagkaroon kami nito noon kung saan nilibot namin ang buong UST Campus habang may student guide na nagtotour sa aamin. At take note mga be, ito ay nonstop tour. So bago pa ito magsimula siguraduhin mong dala mo ang mga sumusunod: PAYONG (Sobrang init be, trust me!) BOTTLED WATER yung 1 Liter kung kaya mo. Anlaki ng USTe oh. Mauuhaw ka ng bongga. FLAT SHOES. Very wrong magsuot ng high heels on UST Walking Tour. Sobrang sakit sa paa. As much as possible yung komportable ka.
- Thomasian Welcome Walk. Ang official welcoming ng mga bagong Tomasino. Kadalasan nasa buwan ito ng June-August dipende sa schedule ng bagyo at ulan. PS: Madalas ito mapostponed lalo na kung biglang buhos ng malakas na ulan sa araw ng TWW.
- Org Fair. Magkakaroon ng Recruitment sa buong college natin at meron ding sa buong UST. Hundreds ang org sa buong University so better made up your mind now kung saang organization kayo. Some orgs na dapat salihan sa CTHM: Student Council SC / Student Tourism Society and Hotel and Restautant Management Society *Automatic member na ang bawat estudyante sa mga organization na ito (STS/HRMS) pero iba ang member sa staffer. Ang staffer ang mga active and attractive member ng bawat organization. Para maenjoy mo ang college life TIP KO LANG : Maging active.
Kung may mga katanungan, tweet nyo na lang ako (@TheEnnaLezyaj) or comment below. :D
+ CALLING ALL CTHM STUDENTS NA MAGALING SA PHOTOSHOP, VIDEO EDITING AND WEB DESIGNING . We need staffers in Student Council - Creatives Team. Weee! Interested? Message me here: www.facebook.com/Jyzlnn or text me here: 0917 568 6101 ~
Hi, ate jayz! I'm super interested sa mga photoshoots. I'm a blogger too. :) And thank you for the great tips sa first day! Godbless
ReplyDeleteHi Babe! Thanks. I'll check you blog. Hihihihi! :)
DeleteThank you for the blog po! Had some fun reading it ☺ Btw, future CTHM-HRM here hihi. :)
ReplyDeleteHi! I'm just curious. Sabi kasi nung iba 2 inches daw ang maximum sa heels. Ano bang mangyayare if nag 3inches ako? Im not that gifted sa height kasi. hihi :) incoming trm here :-)
ReplyDeleteThank you po para po sa tips :D
ReplyDeleteAnyways. Can you give a tip for the interview in UST :(
Kukuha po ako ng CTHM-TRM :D
Thanks po :D
Thank you for the great tips! So ready to be a CTHM-HRM student already. :) Will follow every single one of it. :) Thanks again!
ReplyDelete